
Jolina P. SANTOS
Author
May 9, 2025 | Crisis Intervention Division
Inisyatibo ng Learning and Development Team
Bilang pagpupugay sa mga kawaning ilaw ng tahanan ng Crisis Intervention Division (CID), isang simple ngunit taos-pusong pagdiriwang ng Mother’s Day ang inihandog ng Learning and Development Team (L&D Team) ng CID noong Mayo 9, 2025.
Namahagi ang L&D ng munting regalo bilang pasasalamat sa mga kawaning ina para sa kanilang walang kapantay na pagmamalasakit, hindi lamang sa kanilang pamilya at tahanan gayun din sa bawat kliyenteng kanilang pinagseserbisyohan. Ang kanilang kabutihan at dedikasyon ay tunay na nagsisilbing inspirasyon sa lahat.
Mabuhay ang mga butihing ina sa serbisyo!
Maraming salamat sa inyong puso at sakripisyo.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#SerbisyongMayPuso