Ang AICS ay isang programa ng DSWD na nagbibigay ng tulong pang-edukasyon, medikal, pamasahe, pampalibing, at maging probisyon ng pagkain at iba pang kagamitan para sa mga Pilipinong humaharap sa iba’t ibang krisis, sakuna, o matinding kahirapan.
Ang MC No. 16 o Revised Guidelines on the Implementation of Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), dito nakapaloob ang mga pamamaraan ng implementasyon ng programa at ito din ang sinusunod na alituntunin sa pagbibigay ng tulong sa mga kliyente. Sa bisa ng MC No. 16 ang mga requirements ay nabawasan at ang mga forms na pinapa fill-upan ay pinaikli upang hindi mahirapan ang mga kliyente.
Pumunta lamang sa pinakamalapit na opisina ng DSWD sa inyong rehiyon/lugar at dalhin ang mga kinakailangang dokumento upang maproseso ang inyong hinihinging tulong.
Ang mga dokumentong ating pinapasa ay nagbibigay patibay sa inyong nilalahat na kalagayan. Kung kayat lagi nating dalhin ang Orihinal o Certified True Copy ng ating dokumento.
Lagi rin nating siguraduhin na dala natin and ating mga Valid ID upang agarang maproseso ang inyong linalapit.