
Vico angelo fajardo and Jolina Santos
Authors
Bilang bahagi ng paggunita sa Cancer Awareness Month ngayong Pebrero, nagsagawa ang Crisis Intervention Division (CID) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng oryentasyon para sa kanilang mga personnel noong Sabado (Pebrero 8) sa DSWD Central Office.
Pinangunahan ito ng CID Partnership Team, sa pangunguna nina Mr. Vico Angelo Fajardo, Ms. Iara P. Tejada, at Ms. Jc Balistoy, at sa pakikipagtulungan ng St. Luke’s Medical Center, Quezon City, Globo Asiatico, at Roche Philippines Inc.
Layunin ng forum na palalimin ang kaalaman ng mga social workers sa pangangailangan ng mga pasyenteng may kanser, mula sa pagpapagamot hanggang sa iba pang tulong na maaaring ibigay ng DSWD.
Binigyang-diin ni Direktor Edwin Morata ng PMB-CID ang kahalagahan ng psychosocial at financial support para sa mga pasyente at kanilang pamilya. Ayon sa kanya, mahalagang maramdaman ng mga pasyente na hindi sila nag-iisa sa kanilang laban.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️