Menu

Philippine Standard Time:

Paglingap sa mga Pasyenteng may Chronic Kidney Disease: Pagpapalawak ng Kaalaman at Pagtibay ng Suporta

Marjorie Ethel Geraldoy

Marjorie Ethel Geraldoy

Author

TINGNAN: Sa pangunguna ng Program Management Bureau – Crisis Intervention Division (PMB-CID) at sa tulong ng Helande Kidney Care, Inc., matagumpay na naisagawa ang oryentasyon para sa mga Frontline Social Workers at iba pang kawani ng CID patungkol sa Chronic Kidney Disease at Hemoperfusion nitong nakaraang Sabado (Enero 25) sa Department of Social Welfare and Development Central Office, Magiliw Auditorium.

Layunin ng oryentasyong ito na lubos na maipaunawa sa mga kawani ang mga pinagdaraanan ng mga taong may sakit sa bato, pati na rin ang mga sumasailalim sa hemodialysis treatment. Sa tulong ng aktibidad na ito, mapapalawig at nalilinang ang kaalaman ng mga social workers tungkol sa ganitong uri ng karamdaman na makatutulong sa pag-assess at pagbibigay ng rekomendasyon sa mga kababayang humihingi ng tulong.

Sa kanyang maikling mensahe, binigyang-diin ni PMB-CID Director Edwin Morata ang kahalagahan ng tulong na naibibigay ng departamento, hindi lamang sa pinansyal kundi pati na rin sa psychosocial support para sa mga taong dumaranas ng Kidney Disease at kanilang pamilya.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#DSWDOperationsGroup
#ExtraLoveandExtraCare

 

Crisis Intervention Unit Building, DSWD Compound, Constitution Hills, Batasan Complex, Quezon City, PH 1126

KNOW MORE

CONTACT US

inquiry@dswd.gov.ph
ciu.co@dswd.gov.ph

8962-2813/8951-7433

Monday – Friday (except holidays)
8:00 am – 5:00 pm