
Jolina P. Santos
Author
Sa likod ng bawat kwento ng pag-asa, may mga taong nag-alay ng oras, sipag, at puso para sa iba. Sila ang tahimik ngunit matatag na Manggagawang Panlipunan—handang dumamay, umalalay, at magbigay ng liwanag sa bawat nangangailangan.
Ngayong Social Workers’ Month, bilang pagpapahalaga sa kanilang natatanging serbisyo, inihandog ng Crisis Intervention Division ang isang Video-Clip Presentation na naglalarawan ng mga taon ng pagsisikap at sakripisyong inalay ng bawat Social Worker sa kanilang mahalagang tungkulin.
Kasabay nito, isang espesyal na Post Card of Gratitude ang inihanda simbolong naglalaman ng taos-pusong pasasalamat para sa kanilang walang sawang paglilingkod. Sa bawat ngiti ng natulungan, sa bawat yakap ng pagdamay, at sa bawat buhay na kanilang binago, patunay na #BawatBuhayMahalagaSaDSWD.
Maraming salamat sa inyong dedikasyon! Saludo kami sa inyo, aming mga tunay na bayani!