#BeneficiaryTestimonial: Lubos ang pasasalamat ni Maribel Lagunay matapos siyang makatanggap ng financial assistance mula sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Maribel, ang natanggap niyang tulong ay malaking ginhawa para sa pagpapagamot ng kanyang anak. Magagamit din niya ito bilang dagdag sa pambayad ng kanilang mga gastusin sa bahay, lalo na ngayong tumataas ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD