Menu

Philippine Standard Time:

Guarantee letter mula sa DSWD? Pwede na ulit sa Mercury!

Simula sa Hunyo 2 (Lunes), maaari nang gamitin ng mga kliyente ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ang kanilang Guarantee Letter (GL) mula sa DSWD para makabili ng gamot sa 92 piling Mercury Drug branches nationwide.

Hanapin lamang ang signage na “DSWD Guarantee Letter is accepted here” sa mga counter ng mga piling Mercury Drug Stores.

Ang Guarantee Letter ay isang opisyal na dokumentong ibinibigay ng DSWD bilang garantiya sa pagbabayad sa mga partner service providers para sa mga produkto o serbisyong kailangan ng kliyente, kabilang na ang mga gamot.

Para makakuha ng GL, magtungo lamang sa pinakamalapit na DSWD Field Office o Social Welfare and Development Office (SWDO) sa inyong lugar.

Para sa karagdagang impormasyon at sa kumpletong listahan ng mga participating branches, tingnan ang mga detalye sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/16T3EmjVye/?mibextid=wwXIfr

 

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️

Crisis Intervention Unit Building, DSWD Compound, Constitution Hills, Batasan Complex, Quezon City, PH 1126

KNOW MORE

CONTACT US

inquiry@dswd.gov.ph
ciu.co@dswd.gov.ph

8962-2813/8951-7433

Monday – Friday (except holidays)
8:00 am – 5:00 pm