HAPPENING NOW: Nagsimula na ang information caravan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Chater Road, Hong Kong ngayong Linggo ( Hunyo 8 ), para ilapit at maghatid ng impormasyon ukol sa mga programa at serbisyong maaaring ma-avail ng ating mga kababayang Overseas Filipino Worker (OFW).
Bahagi ito ng ‘Bagong Bayani ng Mundo – Serbisyo Caravan’ na layong iparating sa mga OFW ang mga programa at serbisyo ng pamahalaang Pilipino.