
Jolina P. Santos
Author
Ipinagdiriwang ang Buwan ng Kababaihan na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas,” sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga audio-video visual presentations sa ilang lugar ng Crisis Intervention Division. Nitong 22 Marso 2025 layunin nitong palawakin ang kaalaman ng mga kliyente tungkol sa kanilang mga karapatan, kabilang ang:
- Child Support at Child Custody
- Karapatan ng mga Taong may Kapansanan
- Karapatan ng mga Solo Parents
- Karapatan ng Kababaihan ayon sa Magna Carta of Women
- Karapatan ng mga taong namumuhay na may HIV/AIDS